In demand ang mga baka dahil sa sakit na ASF

Maraming mga tao ang nangamba nung pumasok at lumaganap ang sakit na African Swine fever (ASF) sa ating bansa.Takot silang kumain ng karne ng baboy dahil nga sa sakit na asf. Bumagsak at marami ang naluge na magbababoy dahil nga takot bumili at kumain ang mga tao.Dahil dito,naging in demand ang karne ng baka.Marami ang may gusto ng baka dahil ayaw nilang kumain ng karne ng baboy dahil sa saken .Nagmahal ang presyo ng mga baka at naging masaya ang mga farmer dahil dito.Marami ang tinatangkilik ito kahit na may kamahal dahil safe naman ito at mas masarap ito kaysa sa karne ng baboy. Naging maganda ang pag taas ng presyo ng baka kahit na may kakahalan ito, sa aking nainterview.

Oldest Survivor sa Batangas

Kinilala bilang “oldest survivor” ng mga pagsabog ng Taal ang 107 anyos na si Matilde Alcantara mula nang ipanganak siya noong 1912 hanggang ngayon taong 2020.
 
Sa maliit na apartment sa Barangay San Roque, Bauan, Batangas, pansamantalang tumutuloy ang pamilyang Alcantara kasama ang apat na iba pang pamilya mula Taal, Batangas . Lumikas sila  dahil sa pag-aalboroto ng bulkang Taal.
 
Kwento ni lola, kumpara sa 1977 eruption, pinakamatindi ang pagsabog ng Taal noong 1965 dahil nasa 200 residente ng volcano island ang namatay.Nagpasalamat din sila sa pamilya  na kumukop sa kanila.

Matapos makita sa social media, marami ang nangungumusta kay Lola Matilde na nais tumulong. Sapat ang natatanggap na tulong ng pamilya Alcantara sa lokal na pamahalaan pero sana raw ay mailatag agad ng pamahalaan ang rehabilitation plan para mabilis din silang makabangon sa kalamidad.